Karamihan ng mga ospital ay magkakaroon ng tagapangasiwa sa stem cell transplant na nagbibigay ng pampinansyal na gabay, pati rin ng tulong sa iba pang mga pangangailangan.
Dagdag pa rito, mayroong tagapagtaguyod ang Immune Deficiency Foundation na makakasagot ng maraming tanong tungkol sa insurance. Pumunta sa https://primaryimmune.org/services/ask-idf, at mag-log in o gumawa ng account para isumite ang iyong tanong sa "Ask IDF" na seksyon ng iyong account dashboard.
Gumagawa rin ang ilang pamilya ng mga aktibidad para mangalap ng pondo, kasama ang mga serbisyo ng crowdfunding online.
Kasama sa malaking gastos na kaugnay sa pagkakaroon ng anak na may SCID ang:
- Mga pamamalagi sa ospital at paggamot na kaugnay sa HSCT o gene therapy
- Mga madalas na pagbisita sa doktor at mga pagkuha ng dugo
- Mga gamot na pang-iwas sa sakit
- Paghahanda para sa pag-isolate sa bahay at mga materyal para sa pagpapanatili tulad ng mga disposable mask at guwantes, paglilinis ng carpet at furniture, mga panlinis na supply, mga HVAC filter, at mga HEPA filtration unit
- Mas mahal na plano ng insurance sa kalusugan para mabayaran ang dumaraming pangangailangang medikal